Kung mapatunayan man ng sinuman na tama ang kanyang ipinaglaban, hindi maitatatwang dumaan ito sa proseso ng kalituhan. Ang tanging bagay na hindi nagbabago ay ang kulay na dugo, na hanggang mabulok ay napapasailalim pa rin ng markang pula. Kung ito nga ang totoo, walang iisa mang kaisipan ang nakatukoy sa panghabang buhay na katotohanan.
Sa simula ng pagkakakilanlan, balot ng hiwaga ang tunay na deskripsyon. Hindi sa kahit anong musika o pintura maihahalintulad ang dalisay na laman ng pagkanilalang; sa halip, ito ay batay sa tunay na naging anyo ng pagbabagong nahulma dahil sa pagkakaiba ng panahon.
Walang kahit ano o sino ang maaring manghusga dahil kahit ano o sino man ay hindi ligtas sa panghuhusga ng iba. Ang ligayang napagtagumpayan dahil sa isang papuri ay hindi totoo sa lahat ng dako, ngunit ito ay batay lamang sa emosyong bumabalot habang ang eksena ay nagaganap. Hindi napatunayang eksistensyal nga ang tunay na mukha ng kagalingan at kamangmangan.
Kung makakapagsalita man ang kasaysayan ay malamang pabubulaanan nito ang lahat ng naisulat na doktrina tungkol sa kanya dahil ang tunay na laman ng kanyang diwa ay ang imortal na manipulasyong makapangyarihang angkin ng kamatayan, dahil dugo na mismo ang makakapagpatunay na siya ay lumalabas lamang dahil sa tawag ng kanyang panginoon: ang kamatayan.
Ang buhay ay alay rin sa kamatayan dahil lahat ay tumutungo sa daan upang hanapin ang tunay na anyo ng pagiging perpekto para hindi mapahiya sa araw ng paghuhusga, at ito ay ang araw na pipili ang kamatayan ng susunod na hukbo ng mag-aalay ng mapagpanggap na perpeksyon ng tagumpay.
Sa tunay na pinaglalaban, walang makakapaghusga hangga't hindi inaayunan ni kamatayan. Ang antas at pagkakakilala ay mababago lamang kapag tuluyan na nga itong umanib sa hukbo ni kamatayan.
Kung ang walang hanggang katapusan naman ang pagbabasehan, hindi rin si kamatayan ang kahahantungan ng lahat dahil pati siya ay nagbigay daan sa pagsilang kay muling pagkabuhay, na habang lumalaki ay ummunlad para bigyang kapangyarihan ang panibagong pwersang sisira sa nakapangakong tronong ibinigay ni kamatayan para lamang sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment