Saturday, December 12, 2009
Sunday, September 20, 2009
Makabagong teknolohiya daw.
Tulad ng lipunang pabago-bago, ang teknolohiya ay dumaan na sa napakaraming ebolusyong humulma sa kasalukuyang mukha ng mundo. Mula nang maimbento ang mga kagamitang bato hanggang sa panahong metal, maraming imbensyon ang nagdikta kung saang dako ng daigdig papanig ang kaunlaran. Sa panahong hindi lang ang likas na talino ng tao ang nagsasabi ng magiging lagay ng mundo, sa paanong paraan makakaimpluwenya ang teknolohiya upang iligtas ang tao sa pwersang hindi na sakop ng agham at lipunan?
Sinasabing ito na ang panahon ng makabagong teknolohiya. Mula sa pinakakomplikadong programa sa internet hanggang sa pinakamodernong modelo ng cellphone, lubos na ngang nakaaangat ang makabagong tao kumpara sa mga nilalang noong panahon ng bato. Sa simula pa lamang, ang tao na ang kinilalang pinakamatatalinong hayop dahil sa isa nilang katangian, at ito ay ang makasabay sa pagbabago, mas pa sa kakayahan nilang gumawa ng kapaligirang makaaangkop sa panibagong mga kagustuhan nila.
Maunlad na nga marahil ang teknolohiya, pero bakit may climate change pa? Maunlad na nga siguro ang teknolohiya, ngunit bakit marami pang sakit at epidemya ang hindi malunasan? Maunlad na nga yata ang teknolohiya, pero bakit may pandaigdigang kagutuman pa rin ang nararanasan sa mga bansang katulad ng Aprika?
Sa lipunang pabago-bago, hindi maiiwasang makibagay ang tao. Sa mundong maraming hinahangad, hindi maiiwasang mas pabaguhin ang teknolohiya. Ngunit sa bawat pagbabago, hindi pa rin matukoy kung sino ang tunay na nakikinabang. Kung uugatin ang pinakaesensya ng teknolohiya, ito ay ang paggamit ng agham upang paunlarin at paginhawahin ang kalagayan ng tao. Sa mahalagang banda, umunlad nga ba ang mundo sa pagdating ng makabagong teknolohiya?
Sa minutong lalaruin mo ang plants vs. zombies, panibagong problema na naman ang kahaharapin ng mga magsasaka. Sa oras na naglaro ka ng mafia wars, kulang pa din ang sandata ng mga mandirigma ng bayan upang sugpuin ang mga kaaway. Sa panahong madiskubre na ang lunas para sa AIDS, ilan na kaya ang namatay dahil sa sakit na ito?
Makabago na nga ang teknolohiya, ngunit sa pagbabago nito ay malinaw na hindi ito nakasasapat sa tunay na pangangailan ng batayang masang tunay na nangangailangan dito. Makabago ang teknolohiya, ngunit hindi nito kinayang iangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at manggagawang pinagmamalupitan ng mga taong nakararanas ng ginhawa mula sa makabagong teknolohiya.
Makabago na raw ang teknolohiya. Pero naisip mo na ba kung para kanino ang pagbabago nito? Sa pagtatapos ng mga estudyante sa paaralan, dadami na naman ang magnanais ng pagbabago sa teknolohiya. Pero pinakamainam kung sa pag-iisip ng panibagong imbensyon ay maiisip din ang pag-unlad ng teknolohiya para sa panlipunang pagbabago na mag-papaangat sa buhay ng mamamayang Pilipino.

Sunday, August 23, 2009
Wala itong kwenta
...pero pinasaya ako nito.
Hulaan mo sino ang nakita ko.
Gusto mo sabihin ko?
Ang taong mahal ko.
May kasama siyang iba, pero wala akong pakialam.
Siya ang bumubuhay sa pagal ko nang puso.
Marami siyang pinagdaanang sakit.
Ipinagmamalaki ko na ni minsan ay hindi ko naisipang bitiwan ang pagmamahal ko sa kanya (isang beses lang, pero mga ilang segundo lang (-:).
Sige na nga, papakilala ko na.
Si Katrina Halili...

Subscribe to:
Comments (Atom)